Sa isang relasyon kailangan ng tiwala. Para kahit ang layo layo niyo na sa isa’t isa, hindi ka pa din magdududa sa kanya na may iba siyang babae o lalake doon o kaya naman ay ang dami niyang nilalandi doon. Kailangan ng tiwala. Mahirap makuha ang pagtitiwala ng isang tao sa iyo, hindi yun kadali na kakakilala mo pa lang sa kanya ay pinagsabihan ka na kagad niya ng sikreto.Kapag may tiwala ka sa kanya, sa ka-relasyon mo, hindi ka magdududa na may iba siyang babae o lalake doon, hindi ka ganun apektado kapag may nagsabi lamang sa iyo na may kalandian siya doon kasi alam mong wala naman talaga, hindi ka magagalit kapag hindi siya nakapag-reply kaagad kasi alam mong may iba siyang ginagawa.
Kapag wala ka ng tiwala sa kanya lagi ka na lang nagagalit sa kanya, pansin mo ba? Kapag may gala siya kasama ang mga kaibigan niya, naiinis ka kasi minsan na niyang nasira yung tiwala mo sa kanya. Kapag may party o inuman kasama ang barkada, nagtatampo ka na kagad kasi wala ka ng tiwala sa kanya. Mahirap makuha ang tiwala ng isang tao pero mas lalong mahirap maibalik ang tiwala ng isang tao.
Kapag may tiwala ka sa kanya, okay lang sa iyo na gumala siya magdamag kasi alam mo naman na behave siya doon. Kapag may tiwala ka sa kanya, hindi ka magagalit kaagad kapag hindi siya nakakareply kaagad kapag kasama niya ang mga kaibigan niya kasi alam mo naman na hindi siya ganung klase ng tao. Kaya ikaw, alagaan mo yung tiwala na binigay niya sa iyo.